Search

Biyernes, Enero 27, 2012

Gawa-gawa ng Thesis :) January 28, 2012

Late na nga akong natulog, gumising pa ng maaga,kailangang maglilinis (linis-linisan lang, haha) kakahiya naman sa aking mga bisita (anjanet,mara,jelome,jophelle).

9am na, wala pa sila, ni-text ko si jophelle kung nasan na ang sagot ba naman "ang init e, dito muna kami sa big rock mag-su-swimming" haha, grabe, para kong timang, natawa akong mag-isa. Halos magkasabay lang silang dumating, ang bungad sakin ni Jelome at Jophelle "oh tara kain na" haha, wala pang nagagawa kakain na agad.

Habang inaayos namin ang aming survey, si Jelome bigla na lang sumigaw "oh shit, di pa ko nakakabili ng T-back" napatingin kami sa kanya, "oh bakit naman?", sagot nya "mag-su-swimming kami bukas e" gara, lukang jelome, pati si Mara na seryosong-seryoso sa paggawa e napa-tawa..lol.

Para kaming mga timang, nagbabarahan e, nangunguna na si Jelome, ibang klase ka Jelome XD. Nagpasama ko kay Jophelle na bumili ng meryenda, juice at tinapay (yun lang kaya ng budget ko e, haha). Maya-maya itong si Jelome, sumisimple na...

haha, pilit hinihiram ang cp ko para burahin yan :) Sarap ng tulog wah, medyo naka-nganga pa..lol.
Maya-maya lunch naman, nagkakahiyaan pa e, walang may gustong mauna. Ako pa talaga naglagay ng kanin ke Jelome. 

Pagkatapos mag-lunch, gawa na ulit ng thesis, wala naman kamin naitulong e, puro si Mara ang gumagawa, haha, go Mara, wag kang magsasawa ah ;), babawi din kami sayo, hehe.

Si Jelome (na naman XD) nag-ayang bumili, nanlibre ng ice cream...

haha, so kailangan talag may picture? ;) Gusto pang bilin yung tig-100, grabe, ade ikaw na mayaman, at may bilin pa samin ah "tipirin nyo yan, hanggang mamaya pa yan" haha, wagas, ibang klase ka talaga. 

Si Jophelle naman ang napag-tripan yung piano dito samin, pero di maayos-ayos ang pagtugtog, sa keyboard daw kasi sya sanay e.

Mga bandang 2pm, sabi ni Jelome, mauuna na raw sya, may ka-date pa ata, haha. Pero sabay-sabay na rin silang umuwi, habang nasa labas, aba aba, nagbabalak pa atang magsayaw si Jelome ng Moves like a jagger. Sila Anjanette hindi makatawid,  ang daming sasakyan e, naunahan pa nila Jophelle na makasakay. Ingat-ingat kayo! :)

Maya-maya nag-OL ako, nka-ol na rin si jophelle, nag-update sya ng status nya, lukang Jelome na yun, lumagpas pa pala, haha, naglakad pa tuloy, di bale, keri mo naman yan e, haha.

Next time ulit ah, sa BIG ROCK, haha

-ailene



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento