Monday, half day lang kami. Himala, medyo late si ma'am, pero di na himala na late si Jelome :) May binayaran na naman kamin 10 >,<
Epigrams ulit, buti na lang di pa kami natatawag. Nag-seatwork at quiz kami, si Jelome nakatapos ng nagsasalitan kami ng ballpen, haha. Kopyahan kaming 3, sa unang seatwork , magkakaiba kami ng sagot sa #10, bahala na kung sino ang tatama, nung nag-check si Anja ang tama :) sa quiz naman, sa #4 magkakaiba kami, 'a' kay Jelome, 'b' sakin at 'c' kay Anjanette, nung nag-check na ulit, sabi ni ma'am, 2 daw ang possible answers, either a or b , haha, bawi-bawian lang e, nag-apir pa kami :)
Time ng SAP, punta na kami ng IT Building. Si Jophelle at Jelome kumain muna kaya ayun, LATE :) Ang daming sirang computer, na lang yung amin walang topak. Kwento dito, kwento doo, kaya ayun, nagalit si ma'am, haha. tumahimik naman kami e, mga ilang minuto lang, haha.
11:30 lang nag-uwian na kami, pababa kami ng hagdan si Jelome bigla akong tinawag, andun pala si Mr. President, kahit nakatalikod alam na alam e :) Habang naglalakad kami, kwentuhan muna, si Jelome apaka lakas ng boses, palibhasa may nakapasak sa tenga.
Papunta na kami sa sakayan ng jeep, nakita namin si jelome sa super8, turo sya ng turo sa likod namin, yun pala andun yung sistar nya, haha. Kainitan, ang tagal pang mapuno nung jeep, mga 12;30 siguro ako nakarating samin. Pagdating ko, kumain muna ko, then nagbihis, naglinis na ng kwarto ko at naglaba, kaya ayun, pagkatapos ko...TULOG, haha. 5:30 na akong nagising, di ko tuloy naumpisahan ung PHR, ganda pa naman >,<
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento