Search

Biyernes, Enero 27, 2012

Nagkaubusan ng HIYA :D

January 27, 2012

Friday, P.E lang ang klase ko, 1:30-3:00, nakakatamad. 9am natulog ulit ako, 11:30 na akong nagising :). Gayak agad, nakakahiya naman kasing ma-late, 1:30 na nga ang pasok, late pa :)

Pagdating ko dun sa gym, may nagka-klase pa. Maya-maya, sabi ni Ivan, isa-isa daw na sasayaw (hala!!!nakakahiya >,<) Yung mga B.A na classmate ko nagbalak na umuwi, pero bumalik din, haha. Absent pa naman ako, c Anja at Jelome nung last meeting, dahil akala namin nun masosolo, kala namin ligtas na, yun pala ngayon gagawin, haha. May nabagong step at may dinagdag din, buti na lang nakuha agad namin.

"Anong number?" sabi ni sir, lahat kami kabado, maya-maya "PADERES" haha, Go Nicole, bwena mano XD. PAgkatapos ni Nicole, tumawag ulit si sir, kahit papano nakabawas ng kaba, kasi dalawa-dalawa na ang sasayaw.

Ang dami ng natawag, pero di pa rin natatawag name ko >,< yung iba alam yung mga steps pero na-blangko pagdating sa harap, kasama na ko dun :) Pang-3 sa huli akong tinawag, pero ayos lang.

Palapit na ng palapit ang foundation, magsasayaw kami, flashmob, kuuupo, haha, pero keri yan, marami naman kami e.

Pauwi na kami nakasabay namin ni Anja si Pipay. Si Anjanette di pa rin maka-move-on sa pangyayari sa gym, sobrang nakakahiya daw, haha.

Bukas gagawa kami ng thesis dito sa bahay, wish ko lang may magawa kami, haha, Good Luck sa amin.

-ailene

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento