English time, nag-check kami ng midterm exam namin, 2.75, pwede na yun :) napag-katuwaan pa naming (anjanette@jophelle) lokohin si Jelome, di kasi pumasok sa time ng english, late ng gising. Ini-text namin na 4 sya sa exam, haha. Si Jophelle nka 2.25, ade ikaw na XD. Nung kukunin ko test paper ko, nasabit pa paa ko sa upuan, keynes ah, haha. Nag-compute din kami ng grade para sa midterm, ganun pa din, 2.0 ako.
Habang nag-aantay ng prof para sa Accounting, nagkakatuwaan kami, kung ano-anong trip, *oy Danina ah* . Si Princess apura pagpapaganda para kay Reinier, haha. Biglang labas, sabi ni Janine nagpunta daw si inces sa cr at dun nilabas ang kilig..lol. Si Jeerous naman bumanat, tulungan ko daw si Reinier na manligaw, oh pano ba yan Princess, may pag-asa b? XD
Dumating na si ma'am, kung ano-ano banat. Binanggit ang lahat ng nakapasa, napakaunti ng nakapasa, at akalain mo si Princess, nka-3 nice, haha. banat naman ni Joy Anne "ma'am ade lalabas na lahat ng hindi natawag".
Sinagutan yung mga problem sa exam (aahhh, ganun pala yun). Binigyan kami ng chance ni ma'am, may pinasagutan ulit. Tulad ng dati, kopya dito, kopya don, san ka pa, haha. Nag-check na ulit, kupo, ganun pa din, si Princess tama sa 1&2, sabi nga "review-review lang yan" wahaha. Nung i-re-record na yung score, daming nag-angalan, "ma'am i-pass na lang, nakakahiya". Nakakahiya talaga, haha.
Paglabas ko ng room, uwian na eh, lumapit sakin si Princess V. , may tinanong sya kung totoo daw ba. Nakaka-badtrip yung tanong nya, kainis, bast yun na yun. haha. geh. Bye na ulit.
-ailene
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento