Search

Sabado, Enero 21, 2012

Umulan ng SINGKO (January 21, 2012)

Midterm quiz namin kanina sa Investment, wala si ma'am (YES!) , yun pala may magbabantay(JP), daig pa si ma'am (haha, peace) . Pagkakuha ko sa test paper, napa-kunot noo agad (ano to? pano gagawin dito...XD). Habang nagsasagot kami, dumating si Jelome (late), bwena mano, pagpasok, nauntog sa pinto (haha), eto namang si Jhopet, grabe ang tawa, WAGAS. Si Princess, huling-huli sa akto, dalawang test paper ang hawak (e alam na). Mag-ta-time na, BAHALA na, pa-pass ko na c:

Habang iniintay namam namin ang aming prof sa Finance, kanya-kanya ng topic, ang aming topic...assignment@ballpen, pati butas ng tenga naging topic, gets na yan ng mga kasama ko kanina (anja,ella,inces,carla,nikki,janine,danina,jae). Pati si Roselle dinadamay, kaya daw malungkot dahil nag-break na raw sila ni Jhopet c: si Danina naman, grabe, di ko akalain, haha, joke. Maya-maya dumating na si ma'am, nag-discuss, di naman ako nakikinig, inaantok ako e, haha, tas biglang nagpa-quiz, graaaabe, ano isasagot ko dun, nakadagdag kaba pa si Rozette, naririnig ko kasi yung tunog ng pagpindot nya sa calculator, buti pa kako sya may naisasagot(haha..XD), napa-isip tuloy ako...
*hala, sigurado bagsak na ko dito
*ako lang kaya ang bagsak?
*sana marami kami c:

...pagka-check, HALA! umulan ng SINGKO, haha, may isa namang nakakuha ng KWATRO c:

May isa pang quiz, natuwa pa naman kami, makakabawi na kahit papano (YES), pero ng dahil sa PESO SIGN na yun, bagsak pa rin ako, huhu T_T.

Naalala ko kanina, nung che-check.an na yung 2nd quiz, natawa ko, grabe, lukot na lukot papel ni Lawrence at Ella (ang magpinsan), dahil siguro sa resulta nung 1st quiz, kaya nilamukos, haha.

Hayaan na natin, bumawi na lang tayo sa exam (weh?) haha, sana talaga (cross finger).

Hanggang dito na lang muna, hanggang sa muli mga kaibigan.

-ailene

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento