Pag-pasok ko pa lang ng room, ang dalawang luko (reinier@jeerous) ako na naman ang naharap. Kung ano-ano na namang kalokohan ang pinagsasasabi. Habang nag-iintay kami ng prof para sa Investment namin, review-review-han muna kami, haha. 9:30 na wala pa rin si ma'am, akala namin hindi na darating, pero maya-maya, ayun, pumasok na, one-seat apart daw, kanya-kanya na ng pwesto (e alam na, haha). Si Ateng ireg (di ko alam name e) grabe, kinukuha pa yung papel ko para lang makakopya, at take note, bago muna nya isulat itatanong pa sakin "tama ba to?" aba choosey pa, haha, joke. Sa tuwing lalabas si ma'am, yun na ang pagkakataon, tanong dito, tanong don, kopya dito, kopya don ...(oh kitang kita naman sa picture,"ang magpinsan", isang kinokopyahan, isa namng nangongopya, haha, peace)
haha, tulong-tulong kami (anjanette,princess,danina@jophelle) sa pagsagot. #5 na lang ang wala naming sagot, yung iba nagpapasa na at lumalabas na, akalain mo ba naman, sv ni Ateng ireg "hindi ko na nga iso-solve yung #5, aalis na ko" sa isip-isip q *hala! iso-solve nya? e kinopya lang nya halos lahat yung sagot nya e..lol*.
Time naman ng Biology, karamihan samin wala halos na-review dun (syempre kasama na ko..XD) abe kay dami naman kasi e, kay hihirap pang tandaan. Dumating si Sir, in-announce na walang exam (YES!!!) at akalain mo ba naman, ang sagot nila "buti na lang di ako nag-review." Pero may pinabayaran samin, ticket daw, ewan ko ba kung para san yun...
Lunch na, kasama namin sa table si jae at janine, si Jae na sabi di daw masarap yung ulam, pero naubos nya, haha, halos kami pa lang ang nasa canteen, 11am pa lkang kasi nun, ke iingay, haha, pero masaya naman. Balik agad sa room para mag-review, sa finance naman. Katakut-takot na formula, ang dami. Habang nagsasagot kami, tulungan kami ni Joy Anne :) Grabeng identification yun, puro hula, haha, lalo naman yung solving. Mag-che-check na, kabado lahat, ang resulta, umulan na naman ng KWATRO at SINGKO, take note, exam yun a, haha. Bawi-bawi na lang next time.
Sa time naman ng Filipino, itatanong pa ba yun..BORING..., si Carla maka-pick up lines sakin, wagas e, tawa ng tawa kahit nagtuturo si sir, may kanya kanyang mundo, haha. Wala pang 4pm nagpauwi na agad, syempre tuwang tuwa, hahahahahahaha, geh bye, hanggang dito na lang muna.
-ailenetolentino
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento