February 06, 2012
Monday. Pagpasok ko ng room, mga classmate ko nagkumpulan sa gitna, tinanong o kay Anjanette kung ano ginagawa nila, assignment pala sa Accounting, ako man wala pa dun e, haha. Kay ni-cheer ko na lang si Princess “go Yambot” kokopyahin kasi naming pagkatapos nya, haha. Pagkatapos nya, binigay samin, kami naman. Wala pang kalahati ang nasusulat naming dumating na si ma’am. Habang nagka-klase sya gumagawa kami. Pero maya-maya pinatigil nya, English kasi naming pero iba ginagawa. Mga 30 minutes pa ang natitira, pumayag na sima’am na gawin nain yun, ang bait, hehe. Kanya kanya na ulit ng pwesto sa pangongopya :D
Accounting na, yun oh, mag-che-chek daw ng assignment, ang daming nagtataas ng kamay, pero biglang sinabi ni ma’am “lahat ng sumagot paki-explain nga kung pano nakuha yun” haha, tawanan lahat. Si Reinier ang bwena mano, pero ang sagot nya “pass po” haha. Pagkatapos mag check, quiz daw, nag-angalan kami “ma’am wait lang, magre-review muna kani” (weh? haha), biglang bumanat si Nikki, peo kami lang nakarinig, break muna daw, wala pang 1 hour braek na agad ang hinihiling, haha."no more break, no more quiz, class dismissed" haha, natawa ko sa banat ni carla na yan. Mag-ku-quiz na, yung iba pa-simple ng lumipat ng upuan, kabilang na don si Princess at Janine, haha. Isa-isa kaming binigyan ni ma’am, wag muna daw bubuklatin, pero si Carla, tiningnan na, tanong pa nga sakin “diba si Marie yung bibili” sagot ko naman “huh? Hindi no, si Maria kaya” pinipilit ni Carla si Marie daw, maya-maya sabi ni ma’am, sige sagutan nyo na. GARA e magkaiba pala ng test paper, 2 set, haha.
Kami: “Ma’am sa susunod wag nyo na tong uulitin a”
ma’am :“e sa katabi nyo lang kayo umaasa e”
jelome: ngayon hindi na, sa likod na kami umaasa
haha, ayos ang sagot wah. Hanggang sa nag-time na, nangamote kami, haha.
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento