February 4, 2012
Saturday. 9 ang pasok namin pero 9:30 akong dumatig, kasi akala ko walang magtuturo dahil may program. Habang nasa daan ako, nag-text si Jae, sabi nya natuturo daw si ma'am, di ako naniwala kasi akala ko nagti-trip lang, pero pagdating ko ng room, nakita ko si ma'am na kasalukuyang nagtuturo, haha. Mga 10am pa lang, nagpalabas na si ma'am.
Diretso kami agad sa gym para manuod. Si Carla, wow, ang tangkad wah, naka-heels e haha, at blooming (yung totoo, may inspirasyon ka noh :) ) Pag dating namin sa lobby ng gym, kailangan pa lang bumoto para sa mga candidates, wala kaming mapili, nakigaya na lang kami, #4 ang binoto namin, pagpasok sa gym aba aba, mga gwapo pala at maganda sa personal, buti na lang yun ang binoto ko XD.
Talent portion, girls ang una, may nag-magic, sumayaw at kumanta. Ang ganda nung Iris, sya bet ko sa girls. Grabe tawa namin dun sa isang contestant na sumayaw na ang costume e parang sa beach, nagkalat lang e, haha, peace, pero maganda naman sya. Yung last naman sa girls, ayos na sana e, kaso di bagay yung short nya, parang pambahay lang e :D
Talent portion naman ng boys, unang contestant mala pari ang dating, todo costume at may bible pa, pero maya-maya, tinanggal ang costume, naka sando ng black at naka short...ng PAMBABAE haha, gara, dawi naming taw dun mag 100 at kalahati, haha. Si Carla at Jophelle di maawat sa kakatawa, ang sigaw nila "pahiram ng short mo" wooo, haha. Syempre inabangan namin ang bet namin sa boys si #4 :)
3pm pa ang coronation, di na kami manunuod, makikibalita na lang, gusto na namin umuwi e, haha.
Sa foundation naman, excited na nakakakaba, sasayaw kami (akalain mo yun, haha)
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento