February 28, 2012
Tuesday. Wala kaming pasok pero may praktis ulit kami para sa P.E day. Sa Annex ako pumunta, dun kami magkikita-kita, habang bumababa si Jophelle sa hagdan, natawa ako, hindi naman kami nag-usap pero magkamukha kami ng suot (jogging pants at t-shirt na accounting). Maya-maya dumating na si Jelome, may dala pang mangga.
Sa Pinagbarilan kami nag-praktis, kila Lieby, sayang wala si Anjanette, may sakit eh. Pagpasok naming, salamin na malaki agad ang bumungad sa amin, pagdating sa kusina may salamin ulit. Naalala ko yung bagoong, ininit ni Lieby, tinanong muna kay Jelome kung nilalagyan ng mantika, ang sagot naman “hindi na kailangan, may lalabas ng mantika dyan”.Maya-maya, nag-amoy sunog na, sabi ni Dar-Dar at Jophelle nilalagyan pala ng mantika, tawanan e, haha. Kaya naman pag dating sa pagluluto eh alam na, wag kayong magtatanong kay Jelome, haha.
Talagang umarkila pa ng lamesa at mga upuan magulang ni Lieby, pinagluto pa kami ng sopas, may pandesal din, bananaQ at kamoteQ, meron din grahams galing naman kila Gladys yun J . Ubos agad yung pandesal e, yung sopas daming natira, suggestion nila, ipa-LBC daw kila Anja para gumaling, haha.
Si Lieby may scandal, haha, sayaw ng sayaw e, ayaw paawat. Mga 4pm umuwi na yung iba, ang natira na lang ako, Jelome at Jophelle, gara ng topic namin, kasama naming sa usapan nanay ni Lieby, haha.
Uuwi na kami, pumasok muna kami sa bahay, nakita naming loob ng kwarto nila, nagtitinda pala sila, hinahanap pa naming yung harap, wala pala, haha. Naiwan pa si Jophelle, 6 na atang umuwi, kami di pwede, layo ng amin e, haha
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento