February 29, 2012
Wednesday. 7:30 ang pasok pero 9:00 ako pumasok, may quiz kami sa MOI, e ang traffic sa Sabang, na-late pa ako, buti na lang may pinagawa pa samin bago mag-quiz. Kagara nga e, quiz pero lumalabas si ma’am, pero ayos na rin yun, tulungan, haha. Nakapasa naman, yehey :D .
Sa Finance naman namin, kwentuhan lang sa bags ang nangyari e, pero infairness ganda nung mag tinda nya, haha. At si Carla, dahil sa puyat nakatulog sa room, haha
Wala kaming Filipino 2-5 pm, pero nag pa-print kami ng thesis at nag pa-xerox, puro kalokohan sa pagko-compute kung magkano share naming e, una tig-122, sunod naman na compute tig-110, balikan ng pera, mga tuwang-tuwa pa kami, maya-maya sabi nung nag-pi-print 300, ade bale tig-75 lang pala kami, galling no, accounting pa kami nung lagay nay un, haha. Tuwang-tuwa ulit, may pera pang natitira, pero naalala naming, kailang nga pala ng 7 na folder, wala din, ganung din. May natirang 14, tig-3 kami, kay Anja 5. Maya’t maya si Jelome pianapaalala yung 2, haha. Nagpunta muna kami ng IC para ayusin yung thesis namin, andun di pala mga blockmates naming. Pinag-mayabang pa ni Jelome kay Janine yung thesis naming, maya-maya pinagtawanan, BSA5 pala yung nakalagay, nawala yung “1” haha.
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento