March 09, 2012
Friday. P.E ulit, practice ng sayaw kanina, buti na lang tinuruan kami ni sir, gumanda tuloy yung amin, hahaha, kahit papano naman may panlaban XD kakatuwa mga steps namin, sa Tuesday na namin ipe-perform yun, good luck samin :)
Pagkatapos kaming turuan ni sir, yung kabilang grupo naman, ganda nung kanila, galing ni Gail, nakaka-tomboy, haha.
Uwian na, punta muna kami ng palengke para bumili ng blouse, hanggang 250 lang namin natawaran, dapat 200 lang yun e, haha.
Pagdating sa sakayan, daming nag-aabang na pasahero, di muna kami sumakay, maya-maya dumating sila Bryan, Eugene, Shella at Abi, yung nagkasabay-sabay kaming umuwi, pinagtawanan pa ako ni Bryan, ako kauna-unahang sumakay sa jeep e (talagang ganun, desperado na, haha) habang nasa byahe, puro kalokohan kaming 3 nila Eugene at Anjanette, tas habang nagku-kwento ako, may sumasabit sa lalamunan, e alam na, haha, pinagtatawanan ako ni Eugene at Bryan, tagal na tawanan yun, napakaloloko, haha.
Malapit na kami sa San Roque, ginawa ko dinaldal ko si Eugene para di mapansin, kasi papara yun sa kanto lang, maglalakad pa ko, pero biglang pinaalala nio Anjanette, haha, pero ayos lang lumagpas naman sa kanto e :P
Na-miss ko tuloy mga blockmates ko nung 1st sem ;(
-ailene
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento