Search

Sabado, Marso 10, 2012

Yambot's Day

March 10, 2012

Saturday. Exam sa Investment, e alam na, haha, pinalipat talaga ko ni Tricia sa harap :D para-paraan na lang, haha

After mag-exam, pumunta naman kami sa 402, kwentuhan doon, maya-maya si Danina umiiyak na, kala namin magkaaway sila ni Beth, di pala XD habang nasa gitna ng kasiyahan, biglang dumating si ma'am, kaya ayun nagklase na kami, si elome nakatulog, palibhasa puyat. Um-order pa kami ng footlong, sosyal, ino-order pa yun, hahaha

Habang nag-iintay kami sa prof namin, si Princess Yambot naglabas ng sama ng loob, umiiyak talaga sya, muntik pa kong maiyak e, pero buti na lang andyan ang mga kaibigan namin na may mga sayad, haha. Habang umiiyak si Yambot, biglang tatawa, senyales na daw yun, ahahaha. Napaisipa ako sa sitwasyon ni Princess, ang hirap talaga, kung sino yung kamag-anak mo talaga, sya pang gaganun sayo, tsk

Ito din yung araw na nag-open forum kami about kay Jophelle, tinanong ko muna sya if gusto nya, oo naman ang sagot nya, sinabi namin ang mga hinanakit namin sayo in a good way at para mabago mo pa habang maaga yung mga mali mong ugali, pero sa tingin namin minasama mo iyon.  Basta kung ano man ang mangyayari sa mag susunod na araw, bahala na.

-ailene

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento